Ang tipikal na araw at linggo ng mga mag-aaral sa elementarya

Dumarating ang mga mag-aaral sa paaralan bago mag alas otso at kalahati ng umaga. Bawat paaralan ay may kaniniyang iskedyul ng oras.

Bago pumasok sa paaralan, nagtitipon-tipon muna ang mga mag-aaral malapit sa kanilang mga tahanan. Ito ay tinatawag na “shudan-toukuo” o grupo ng mga mag-aaral na papasok sa paaralan.

Isinasagawa ang “Asa no kai” o homeroom sa umaga bago ang oras ng unang paksa. Ito ang oras kung kailan ipinapasa ng mga mag-aaral ang kanilang takdang aralin at nagbibigay ng anunsiyo ang kanilang guro. 

Apat na paksa na may pagitang sampung minuto ang pinag-aaralan bago sumapit ang tanghaling tapat. Dalawangpung minuto naman ang pagitan ng ikalawa at ikatlong paksa.

Ang klase sa umaga at hapon at napapagitnaan ng tangahalian. Mas mahaba ito na kalmitan ay tatlumpung minuto. Matapos ang tanghalian ay naglilinis ang mga mag-aaral ng kanilang silid-aralan at mga pasilyo. Pagkatapos ay magsisimula naman ang ikalimang paksa. Samantala, walang klase sa hapon sa tuwing may seremonya tulad ng pagbubukas ng klase. 

Matapos ang lahat ng paksa, isinasagawa ang “kaeri-no-kai” o homeroom sa hapon. Ito ang oras na nagbibigay ang guro ng takdang aralin at iba pang anunsyo. Sama-sama namang umuuwi ang mga mag-aaral.

Karaniwan sa mga paaralan ay may klase mula Lunes hanggang Biyernes. Wala namang klase tuwing Sabado, Linggo at pambansang pagdiriwang o holiday.

よかったらシェアしてね!
  • URLをコピーしました!
  • URLをコピーしました!
目次
閉じる