Ang silid kung saan ka nag-aaral kasama ang iyong mga kaklase ay tinatawag na Kyoushitsu (silid-aralan).
Sa iyong paaralan ay may ibat-ibang silid maliban sa mga silid-aralan.
Ang lugar kung saan nagsasama-sama ang mga guro ay tinatawag na Shokuin-shitsu (opisina ng mga guro).
Sa Tosho-shitsu (silid-aklatan) naman ay maraming mga aklat.
Ang Ongaku-shitsu (silid-pangmusika) ay ang silid na nakalaan para sa pag-awit at pagtugtog ng mga instrumento.
Kung ikaw naman ay guguhit at may kailangang likhain, ikaw ay pupunta sa Zukou-shitsu (silid para sa pagguhit at paglikha ng sining).
Marami ritong mga gamit na makakatulong sa iyo.
Ngayon naman, ang ating tatalakayin ay ang Hoken-shitsu (silid ng nars).
Kung ikaw ay maaaksidente, makararanas ng sakit ng ulo o tiyan, kailangan mong magtungo sa Hoken-shitsu.
Lagi ritong matatagpuan ang nars na mabait at handang makinig sa iyo.
Sa Hoken-shitsu ay maraming gamit tulad ng mga benda at mga gamot.
Mayroon ding mga termometro, timbangan, at mga higaan.
Kung masama ang iyong pakiramdam, maaari kang magpahinga sa mga hingaan dito.
Kung maayos na ang iyong pakiramdam ay maaari ka nang bumalik sa iyong silid-aralan.
Kung hindi naman ay maaari kang umuwi nang bahay.
Kung sakaling lumala ang iyong pakiramdam ay kailangan kang matingnan ng doktor o nars ng paaralan.
Nariyan ang nars ng paaralan upang ikaw ay tulungan sa pinakamabuting paraan.
Sila ay magagaling pagdating sa pangangalaga ng kalusugan ng mga bata.
Kung ikaw ay mayroon inaalala, problema sa buhay o nababalisa ay maaari mo rin silang kausapin kahit anong oras.