Sa Japan, nagsisimula ng Abril ang pasok sa mga paaralan.
Ang unang termino ay mula Abril hanggang Hulyo at tinatawag itong ichi-gakki.
Sa Abril, ang bawat paaralan ay may panimulang seremonya at pagsukat ng katawan o pisikal na pagsusulit. Sa pagsukat ng katawan, ang taas, timbang, paningin at kakayahan sa pandinig ay sinusuri.
Sa Mayo, ang mga mag-aaral ay may Ensoku o excursion. Dito ay dinadala ng mga estudyante ang kanilang tanghalian na inihanda ng kanilang mga magulang.
Ang mga paaralan naman ay nagsasagawa ng pagbisita. Ang guro ay bumibisita sa kanyang mga mag-aaral at tinitingnan ang kanilang kalagayan at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga mag-aaral.
Nagsisimula ang klase sa paglangoy tuwing Hunyo. Ang ilang elementarya ay walang nito.
Ang Natsuyasumi o summer vacation ay magsisimula sa katapusan ng Hulyo. Walang klase ang mga estudyante tuwing bakasyon. Ang mga guro ay nagbibigay ng takdang-aralin, kaya ginagawa ng mga mag-aaral ang mga ito sa panahon ng bakasyon.
Mula Setyembre hanggang Disyembre ang ikalawang termino, na tinatawag na ni-gakki.
Sa Setyembre, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kanilang unang pagpupulong para sa naturang termino at pagsusukat ng katawan.
Sa Oktubre, mayroong undoukai, isang sports festival. Ang mga magulang ay pumunta din upang makita ang undoukai.
Sa Nobyembre naman ginaganap ang Bunkasai, isang pagdiriwang ng paaralan. Ang ilang mga paaralan ay tinatawag itong gakushu-happyoukai.
Sa Disyembre, may karera o marathon ang mga estudyante. Nagsisimula ang winter holidays sa katapusan ng Disyembre.
Pagkatapos ng Winter holiday, sa Enero, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kanilang unang pagpupulong ng termino.
Mula Enero hanggang Marso ay ang ikatlong termino, na tinatawag na 3-gakki.
Sa Marso, ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang sa elementarya ay may seremonya ng pagtatapos. Ang ibang mga mag-aaral ay may pagpupulong para sa katapusan ng semestre at nagsisimula ng Spring holiday.